37 Chinese national na sinasabing sangkot sa iligal na aktibidad ang naaresto ng Bureau of Immigration (BI) sa Parañaque City.
Ayon sa Immigration, ang mga ito ay may kinalaman sa iligal na pagtitinda ng pagkain, groceries at restaurant sa loob ng Multinational Village.
Nahuli ang 30 lalaki at 7 babaeng Chinese nationals matapos makatanggap ng sumbong ang Immigration.
Sa ngayon, nakakulong sa pasilidad ng BI sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig ang mga inaresto habang inihahanda ang deportasyon sa mga ito.
Facebook Comments