37 Filipino mula Ukraine, isasailalim sa repatriation program ng pamahalaan

Kasunod nang nagpapatuloy na tensyon sa pagitan ng Ukraine at Russia, 37 mga Filipino mula sa Ukraine ang patungo na ngayon sa Lviv upang ma-repatriate pabalik ng bansa.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Arriola na lulan ang mga ito ng bus na nirentahan ng pamahalaan mula Kiev at patungong Lviv kung saan sila ay sasalubungin ng ating mga opisyal upang mapauwi ng Pilipinas.

Sa ngayon, 181 Filipinos ang accounted mula sa Ukraine at ang iba ay mas pinili na lamang munang manatili sa nasabing bansa.


Kasunod nito, sinabi ni Arriola na nakahanda ang pamahalaan na i-assist ang ating mga kababayan na gusto nang makabalik ng bansa.

Kinakailangan lamang aniyang makipag-ugnayan sa ating Embahada para sila ay maisailalim sa repatriation program.

Sa ngayon, tanging voluntary at hindi pa nagpapatupad ng mandatory repatriation sa Ukraine.

Facebook Comments