Kinumpirma ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na 37 lugar kabilang na ang 7 lungsod at 1 bayan sa National Capital Region (NCR) ang isinailalim ng Department of Health (DOH) sa Alert Level 4 dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Kabilang sa mga lugar sa National Capital Region (NCR) na nasa Alert Level 4 ang Las Piñas, Muntinlupa, Quezon, Taguig, Malabon, Makati at San Juan at ang munisipalidad ng Pateros.
Habang sa mga lalawigan naman ay ang Cordillera Administrative Region (CAR) gayundin ang Regions I, II, III, IV-A, VI, VII, VIII, X, XI at XII
Kinumpirma rin ni Vergeire na 16 sa 17 lungsod at munisipalidad sa NCR ang may Delta cases mula nitong August 5.
Habang 9 sa 17 rehiyon sa bansa ang mayroon ding Delta variant.
Ang Alert Level ay idenedeklara base sa kaso ng transmission at sa healthcare utilization rate.