Kinumpirma ni Pasig City Mayor Vico Sotto na 37 mga lugar sa lungsod ang kanyang isinailalim sa granular lockdown alinsunod na rin sa rekomendasyon ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CEDSU).
Sa Facebook page ni Sotto, hindi umano ito kapareho ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) kung saan maaaring lumabas naman ang mga papuntang trabaho o Authorized Persons Outside Residence (APOR) o emergency.
Paliwanag pa ng alkalde magiging mas mahigpit umano ang mga barangay at pulis sa mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown at bawal ang mga bisita at bawal din lumabas ng bahay kung hindi APOR.
Giit pa ng Local Government Unit (LGU) na dalawang linggo mula bukas, March 20 hanggang April 1 ay magsisimula na ang mas mahigpit na implementasyon ng naturang kautusan.