37 NA INDIBIDWAL MULA SA REHAB CENTER SA ILOCOS REGION, NABAKUNAHAN NA KONTRA COVID-19

Nabakunahan kontra covid-19 ang 37 na indibidwal sa regional rehabilitation center for youth sa Bauang, La Union.

Ayon sa DSWD Field Office 1, ang mga ito ay edad 18- 24 na nakatanggap ng kanilang unang dose ng covid-19 vaccine.

Bago ang pagbabakuna sa mga ito nagkaroon muna ng koordinasyon ang ahensya sa mga magulang at guardians para sa kanilang approval.


Samantala, isinabay na rin sa vaccination ang tatlong empleyado ng rrcy na pinangunahan ng rural health unit ng Bauang. ###

Facebook Comments