37 na lugar sa Quezon City, isinailalim sa special concern lockdown

Nasa tatlumpu’t pitong lugar sa Quezon City ang isinailalim sa special concern lockdown dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19.

Bahagi lang ng isang barangay ang isinasara at hindi ang buong barangay.

Kabilang sa bagong naidagdag na lugar ay ang bahagi ng Road 1, Barangay Bagong Pag-asa at isang lugar sa Premium Street, Valdescona Compound, Barangay Sangandaan.


Makatatanggap naman ng food packs at essential kits ang mga apektadong pamilya.

Isasailalim din ang mga ito sa swab testing at mandatory 14-day quarantine

Facebook Comments