Mayorya ng mga Pilipino ang naniniwalang walang mababago sa kalidad ng kanilang buhay sa susunod na 12 buwan.
Batay sa Social Weather Stations (SWS), 42% na Pinoy ang nagsabing walang magbabago sa kalidad ng kanilang buhay.
37% naman ang nagsabing bubuti ang kalidad ng kanilang buhay habang 7% ang nagsabing lalala at 14% ang walang sagot.
Katumbas ito ng net personal optimism score na (positive) +30 na nasa kategoryang “very high”.
Karamihan sa mga kumpiyansang gaganda ang kalidad ng kanilang buhay ay mula sa Balance Luzon at Metro Manila.
Ang survey ay isinagawa noong June 23 hanggang 26 sa 1,200 adult respondents.
Facebook Comments