Nakahiram ang Pilipinas sa World Bank ng aabot sa 370 milyong dolyar o katumbas ng mahigit 18.2 bilyong piso para sa pagpapabuti ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).
Ayon kay Department of Finance (DFA) Sec. Carlos Dominguez, gagamitin ang nasabing pondo sa 1.4 ektarya ng lupain na ipapamahagi sa 750,000 magsasakang benepisyaryo nito.
Sa ngayon, aabot na sa 4.8 milyong ektarya ang naipamahagi ng gobyerno sa 2.8 milyong magsasaka sa bansa, kung saan 53 percent dito ang indibidwal ang titulo, habang 2.5 milyong ektarya ang nasa ilalim ng Collective Certificate ng Land Ownership Awards (CCLOAs).
Facebook Comments