37,000 na mga estudyante naapektuhan sa patuloy na pag-aalburoto ng bulkang Taal

Pumalo na sa 37,000 na mga estudyante ang naapektuhan sa patuloy na pag-aalburoto ng bulkang Taal.

 

Sa interview ng RMN Manila kay Department of Education Regional Dir. Willy Cabral, batas sa kanilang datos, nasa 91 na paaralan ang sakop ng 14-kilometers danger zone kung saan 78 rito ay pampublikong paaraalan.

 

Bunsod nito, sinabi ni cabral na pagpalabas ng memorandum ang DepEd na inuutusan ang lahat ng mga public school sa mga kalapit na evacuation centers na i-admit ang mga estudyante na apektado ng pagsabog ng Taal.


 

Ayon sa opisyal, hindi na hihingan ng mga dokumentong ang mga bata kundi ilang basic information na lang tulad ng buong pangalan, edad, address, school na pinanggalingan at learner reference number kung naaalala pa.

 

 

Ipapalabas na rin ng DepEd ang kanilang buffer stock ng mga libro para magamit ng mga estudyante.

 

Mamayang hapon ay personal na bibisitahin ni DepEd Sec. Leonor Briones at ilang opisyal ng kagawaran ang mga paaralan na naapektuhan ng taal eruption.

Facebook Comments