37,000 TNVS application, may prangkisa na ayon kay LTFRB Chair Mendoza

Pumapasada na ang 37,000 na units ng Transport Network Vehicle Services o TNVS na nag-apply ng prangkisa sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.

Sa pagharap ni LTFRB Chairman Vigor Mendoza II sa grupong Manibela nag nagsagawa ng kilos protesta sa kanilang tanggapan, sinabi nitong nasolusyunan na niya ang mahigit 37,000 na backlog at petitions sa aplikasyon ng TNVS.

Aniya, kahit wala pa siyang dalawang buwan bilang LTFRB chair ay ginawa na niya ang lahat para makabiyahe ang mga TNVS lalo na ngayong Pasko.

Aniya, hindi lang provisional authority ang kanilang ibinigay sa mga TNVS kundi prangkisa na para agad silang makapaghanapbuhay.

Facebook Comments