
Nakaantabay ang 37,000 uniformed personnel para tumugon sa pagdating ng Bagyong Uwan, ayon sa Office of Civil Defense (OCD).
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Asec. Rafaelito Alejandro na handa ang mga tropa na mag-relyebo sa mga tauhan ng OCD at Armed Forces of the Philippines (AFP) na nasa mga lugar na tinamaan ng Bagyong Tino, at tutugon sa panibagong bagyo na inaasahang tatama sa Northern at Central Luzon.
Nakatuon ang paghahanda sa Regions 1, 2, Cordillera Administrative Region (CAR), Region 5, Calabarzon, at ilang bahagi ng Visayas.
Inaasahang tatama si Uwan sa Linggo ng tanghali.
Mayroon pa ring 320,000 evacuees sa 3,000 evacuation centers, karamihan sa Cebu at Negros, habang unti-unti nang nakababalik sa bahay ang iba sa Region 8.
Facebook Comments









