3,724 ng Pinoy mula sa UAE, nakauwi na ng bansa

Umabot na sa 3,724 mga Pinoy mula sa United Arab Emirates (UAE) ang nakauwi na ng bansa kung saan 374 ang mga bagong dating nitong Sabado sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa bagong tala ng Department Foreign Affairs (DFA), ang 374 Pinoy workers mula sa UAE ay sakay ng chartered flight.

Sinabi ni Foreign Affairs for Migrant Workers Affairs Sarah Lou Arriola, asahang marami pang mga Pinoy mula sa UAE ang nakatakdang umuwi sa bansa sa katapusan ng Agosto.


Kabilang na rito ang mga distressed Overseas Filipino Worker (OFW) at mga stranded dahil sa pandemya.

Makakatanggap ng $200 ang bawat napauwing Filipino bilang ayuda ng DFA kung saan sasailalim din sila sa mandatory 14-days quarantine na inilaan ng gobyerno.

Ang chartered repatriation flights ay bahagi ng programa ng DFA para sa mga Pinoy worker na nais ng umuwi sa Pilipinas.

Facebook Comments