378 na seafarer, naturukan na ng COVID-19 vaccine bilang handog ni dating Speaker Alan Peter Cayetano ngayong Araw ng mga Marino

Abot sa 378 na seafarer ang bakunado na sa Taguig City.

Ayon kay dating House Speaker Alan Peter Cayetano, mahalaga na makabalik sa kanilang trabaho ang mga mandaragat dahil malaki ang kontribusyon ng mga ito sa pagpapaandar ng ekonomiya ng bansa.

Aniya, malaking kapanatagan sa pamilya ng mga mandaragat na makabalik na sa trabaho upang makabawi sa kanilang kalagayang pangkabuhayan na pinadapa ng pandemya.


Kahapon ay umabot sa 12,000 ang turnout ng vaccinated sa Taguig sa isang araw.

Sa kabuuan, 220,000 na mga residente sa Taguig ang nabakunahan na.

Facebook Comments