379 na COVID-19 case, naitala ngayong araw

54

Umabot lang sa 379 ang nadagdag sa kaso ng COVID-19 ngayong araw.

Mas mababa ito kumpara sa naitalang 562 na kaso kahapon.

Dahil dito, pumalo na sa 2,836,200 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa kung saan 11,905 ang aktibong kaso.


Sumampa naman sa 2,774,334 ang COVID-19 total recoveries matapos gumaling ang 631 indibidwal.

Nasa 25 ang napaulat na nasawi kaya umakyat na sa 49,961 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Batay sa Department of Health (DOH) sa 25 na nasawi, 5 ang naitala nitong December; 6 noong November 2021; 7 noong October; 5 noong September; 1 noong August at 1 noong July.



Ang napaulat na mga nasawi ay bunsod ng late encoding ng death information sa COVIDKaya.

Mayroong limang laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Facebook Comments