37th IB may bagong BatCom

Nagpasalamat si Lt. Col . Florencio Pulitod Jr, sa lahat ng kanyang mga nakasama at nakatrabaho sa panahon ng kanyang pamumuno sa 37th Infantry Batallion.
Kabilang sa kanyang mga pinasalamatan ang mga opisyales ng Iranun Towns na kinabibilangan nina Buldon Mayor Abolais Manalao, Barira Mayor Barok Tomawis Matanog Mayor Kits Guro at Parang Mayor Ibrahim Ibay at mga lider mula sa bayan ng Sultan Kudarat na pinangungunahan ni Mayor Datu Shameem Mastura at Sultan Masura Mayor Rauf Mastura.

Ang pagpapasalamat ni Col. Pulitod ay kasabay ng ginawang turn- over of command ng 37th IB sa Camp Iranun, Barira Maguindanao noong June 18 na sinaksihan mismo ni CG BGen Cirilito Sobejana.

Pagpapalakas ng samahan ng opisyales, nanguna sa balik baril program at pag aayos ng mga away pamilya ang ilan lamang sa mga di matawarang nagawa ni Col. Pulitod sa kanyang dalawang taong pamamahala sa 37th IB .


Matatandaang lahat ng mga LGU na nasa ilalim ni Col. Pulitod ay naging awardee din ng Seal og Good Local Governance.

Samantala, itinalaga namang bagong Batcom ng 37th IB si Lt. Col Roberto Go Jr. dating EX-O na 601st Brigade, habang itilaga sa 6th ID si Col. Pulitod. .

Facebook Comments