Umabot na sa mahigit 38.27 milyong bakuna kontra COVID-19 ang dumating sa Pilipinas.
Tinatayang 27.3 percent ito ng 140 milyong doses na kailangan para maabot ng Pilipinas ang herd immunity.
Sa nasabing mga bakuna, pinakamarami ang binili ng gobyerno at pribadong sektor na nasa 22.4 milyong doses.
15.8 milyon naman ang donasyon mula sa COVAX Facility, Amerika, Japan, China at United Kingdom.
Mula sa mga bakunang dumating sa bansa, 23,199,187 ang naiturok na; 12,493,997 ang mga Pilipinong nabakunahan habang 10,705,190 ang bilang ng mga Pilipinong nakakumpleto na ng bakuna o yung mga fully vaccinated.
Sa ngayon, sinabi ng National Task Force Against COVID-19 na umabot na sa 38,275,800 ang bilang ng mga bakunang dumating sa Pilipinas.
Kinabibilangan ito ng 20.5 milyong Sinovac; 7.27 milyon ng AstraZeneca; 3.5 milyon ng Moderna; 3.4 milyon ng Pfizer, 3.2 milyon ng Janssen at 350,000 ng Moderna.