Nasagip ng mga awtoridad ang 38 biktima ng human trafficking sa isinagawang joint anti-human trafficking operation sa Taha Wharf, Baliwasan, Zamboanga City.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), sakay ng cargo vessel ml-sayang ang mga biktima nang ma-rescue sila. Nakasaad sa imbestigasyon na nakatakda sana silang dalhin sa taganak island bago tumuloy sa bansang kanilang destinasyon.
Nabatid na walo sa mga biktima ay mga babae na may philippine passports at tourist visa patungong china. Apat sa kanila ay una nang na-offload ng bureau of immigration dahil sa kaduda-dudang biyahe patungong china.
Pinangakuan umano ang mga biktima ng sweldong ₱70,000 kada buwan bilang domestic helpers sa china. Samantala, ilan din sa mga nasagip ay nakatakda sanang dalhin sa malaysia.
Tatlong facilitators ng illegal recruitment ang naaresto ng mga awtoridad sa naturang operasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









