
38 biktima ng human trafficking ang nasagip sa joint anti-human trafficking operation sa Taha Wharf, Baliwasan, Zamboanga City.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), sakay ng cargo vessel na ML-Sayang ang mga biktima nang ma-rescue ang mga ito.
Sila ay nakatakda sanang dalhin sa Taganak Island patungo sa bansa na kanilang destinasyon.
Nabatid na walo sa mga ito ay mga babaeng may Philippine passports at may tourist visa patungong China.
Apat din sa mga biktima ay una nang na-offload ng Bureau of Immigration dahil sa kaduda-dudang biyahe patungong China.
Nabatid na sila ay pinangakuan ng sweldo na P70,000 bilang domestic helpers sa China.
Ilan din sa mga nasagip na biktima ay nakatakda sanang dalhin sa Malaysia.
Tatlo ring facilitators ng illegal recruitment ang naaresto ng mga awtoridad sa nasabing pantalan.









