38 Dating Rebelde, Tumanggap ng Ayuda mula sa DSWD FO2

Cauayan City, Isabela- Nabigyan ng tulong pinansyal ng DSWD FO2 ang 38 na dating mga rebelde mula sa Lalawigan ng Isabela at Cagayan.

Umabot sa Php190,000.00 kabuuang halaga ng financial assistance ang ipinamahagi ng DSWD sa mga former rebels sa bayan ng Sto. Tomas, Isabela at Rizal, Cagayan.

Ang nasabing tulong para sa mga nagbalik-loob sa gobyerno ay sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).


Ayon sa isang dating rebelde na si alyas Edgar mula Sto. Tomas, labis ang pasasalamat nito sa tulong na ibinigay para sa kanila ng nasabing ahensya maging ng iba pang ahensya ng gobyerno.

Sinaksihan naman ng 17th Infantry Battalion at ng mga lokal na opisyal ng dalawang bayan ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga dating rebelde.

Facebook Comments