Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na tiyaking magiging mapayapa at maayos ang halalan sa susunod na taon.
Sa Malacañang press briefing, sinabi ni DILG Sec. Jonvic Remulla na partikular na pinatututukan sa mga awtoridad ang nasa 38 election hotpots sa bansa.
Sa naturang bilang, 27 rito ay mula sa BARMM.
Ayon kay Remulla, ito aniya ang mga lugar na tututukan nilang mabuti sa eleksyon.
Magsasagawa rin ng pagpupulong and DILG at mga awtoridad kaugnay rito sa darating na November 15.
Facebook Comments