38 katao kabilang ang Chinese at Taiwanese nationals na nag-ooperate ng online scam hub, naaresto sa Maynila

Naaresto ng mga operatiba ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) kasama ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Securities and Exchange Commission (SEC) sa kinasang Warrant to Search, Seize and Examine Computer Data operation ang 39 na katao kabilang ang Chinese at Taiwainese Nationals na nag-o-operate ng online scam hub sa Malate, Manila.

Ang paraan ng naturang scam hub ay idinadaan sa romance at investment fraud kung saan gumagamit ang mga ito ng artificial intelligence (AI) enhanced social engineering tactics.

Kapag nakuha na ang loob ng bibiktimahin ay tsaka nila kukunin ang mga financial information at hihintayin na mag-invest ang mga ito sa cryptocurrency platform.

Bukod dito ay gumagawa din sila ng VIP accounts para naman sa mga dating apps.

Narekober sa lugar ang 267 piraso ng digital evidence kasama na rito ang 36 na computers at 200 mobile phones na may lamang sim cards at halos 100 pang ibang mga sim cards na lahat ay subject to on-site forensic examination.

Dahil dito, ang mga nahuling suspek ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa Securities Regulations Act, Access Devices Regulations Act of 1998 at Cybercrime Prevention Act of 2012.

Facebook Comments