LINGAYEN, PANGASINAN – Nai-turnover na ang nasa tatlumpu’t walong (38) modernisadong Public Utility Jeepneys (PUJs) ng Hino at Hyundai Group of Companies sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region 1 at Lingayen Dagupan Transport Cooperative (LDTC).
Ginanap sa bagong terminal sa barangay Quibaol, Lingayen ang turnover ceremony at launching ng mga unit na may rutang Lingayen-Dagupan vice versa at Lingayen-Dagupan via Sual.
Dalawampu’t walo (28) mula sa mga ito ay mula sa Development Bank of the Philippines habang sampu (10) naman ang mula sa Landbank of the Philippines.
Nakatakdang bumiyahe ang mga unit anomang araw simula ngayon.
Samantala, sa buwan naman ng Setyembre ay magsisimula ang libreng sakay ng Department of Transportation gamit ang mga bagong pampasadang jeep na magtatagal hanggang Disyembre.