38 na medical centers sa Metro Manila, nasa danger zone na ayon sa DOH

Nasa danger zone na ang ilan sa medical centers na may pasilidad sa COVID-19 treatment sa Metro Manila.

Mula sa 130 medical centers, nasa 38 na ospital ang halos okupado na.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang datos ay batay sa tracker ng kagawaran para sa COVID-19 bed capacity sa Metro Manila hospitals mula nang September 16, 2020.


Ipinaliwanag ni Vergeire na kung mas mababa sa 30% ay ligtas ang pasilidad sa oras ng surge.

Habang kung 30 hanggang 70% naman, ito ay ‘warning’ sa oras ng surge, at kapag 70% naman ito’y nasa ‘danger’ na mapuno sa oras ng surge ng cases.

Samantala, 55 health centers naman ang nasa ilalim ng ‘warning level’ at 37 ang nasa ‘safe level’ sa oras na tumaas ang COVID-19 infections.

Facebook Comments