38 na mga kawani ng BOC, sinibak sa pwesto

Manila, Philippines – Sinibak sa pwesto ni BOC Commissioner Isidro Lapeña ang walong District collectors at 30 Section Chiefs dahil sa hindi pagtupad sa kanyang kautusan na tigilan na ang kurapsyon at benchmarking sa kanilang nasasakupang ports.

Ang mga District Collector na sinibak ay sina Elvira Cruz ng Port of Cebu, Romeo Rosales Port of San Fernando, Julius Premediles ng Port Limay, Jose Naig ng Port of Iloilo, Carmelita Talusan ng Port of Subic , Divina Garrido ng Port of Legaspi, Halleck Valdez ng Port of Zamboanga at Tomas Alcid ng Port of Appari.

Sa hiwalay na Customs Personnel Order sinibak din ang 30 Section Chief ng Formal Entry Division ng Port of Manila at Manila International Container Port at inilipat sa ibat ibang Provincial Collection District ng Bureau.


Paliwanag ni Lapena kaya niya sinibak sa pwesto ang naturang mga opisyal dahil hindi pa rin nawawala ang “TARA System” at “Benchmarking” na mahigpit na ipinagbabawal ng opisyal.

Giit ni Lapeña personal mismong minomonitor nito ang takbo ng Port sa buong bansa at mayroon siyang pinagkakatiwalaang tao na siyang nagbibigay sa kanya ng mga impormasyon sa patuloy na gumagawa ng kalokohan sa ahensiya.

Facebook Comments