Umakyat na sa 38 ang namatay sa hagupit ng cyclone Kenneth sa Mozambique.
Noong nakaraang linggo ay tumama ang bagyo sa naturang Southern African nation taglay ang lakas ng hanging aabot sa 220 kilometro kada oras.
Sinira ng bagyo ang mga kanayunan at 35,000 kabahayan.
Pahirapan din ang paghahatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo lalo na at maraming bayan ang isolated ngayon.
Una nang nanawagan si UN Secretary-General Spokesman Antonio Gutteres ng tulong mula sa international community para sa Mozambique.
Facebook Comments