Humiling na ng repatriation ang 38 Pinoy na naiipit ng gulo ngayon sa Gaza.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Usec. Eduardo de Vega na mayroong 137 Filipinos ang nasa Gaza.
Hindi aniya sila mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa halip mga nakapag-asawa ng Palestinian at sila ang humihiling na makauwi na sa Pilipinas.
Bukod sa mga Pinoy sa Gaza, wala nang Pinoy na humihiling ng repatriation sa ibang bahagi ng Israel.
Sa datos ng Embahada, 95% ng tinatayang 30,500 na mga Pilipino sa Israel ay nakatira malayo sa Gaza kung saan ang sentro ng kaguluhan.
Gayunman, kung lumala pa ang sitwasyon sinabi ni De Vega na nakahanda ang DFA na ipatupad ang mandatory repatriation.
Facebook Comments