38 SAP Beneficiaries, Dinampot sa Pagsusugal!

Cauayan City, Isabela- Arestado sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa rehiyon dos ang tatlumput walong (38) katao matapos na lumabag sa mahigpit na pagpapatupad ng Anti-Illegal Gambling operation ng mga alagad ng batas sa kabila rin ng umiiral na ECQ.

Ayon sa ulat ng Police Regional Office No. 2 sa pamumuno ni P/BGen. Angelito Casimiro, naaktuhang nagsusugal ang nasabing bilang ng tao gamit ang mga baraha.

Nakapagtala ang PNP Isabela ng may pinakamataas na bilang ng mga nahuli dahil sa iligal na sugal na umabot sa dalawamput walo (28); anim (6) sa PNP Cagayan at apat (4) naman sa PNP Nueva Vizcaya.


Nabatid na ang mga nahuli ay pawang nakatanggap ng cash assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Inihahanda na ang kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling at RA 9287 na isasampa laban sa mga nahuling sa pagsusugal.

Pinuri naman ni RD Casimiro ang mga hanay ng pulisya sa rehiyon dos dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng batas sa kabila ng krisis na kinakaharap ng bansa.

Facebook Comments