38 sibilyan, patay sa panibagong air strike ng Russian Air Force sa Syria

Syria – Patay ang tatlumpu’t walong sibilyan sa panibagong airstrike ng Russian Air Force sa Deir Ezzor province, Syria.

Ayon sa Syrian Observatory for Human Rights, tumatawid ng Euphrates river ang mga biktima na kinabibilangan ng siyam na bata nang umatake ang mga Russian fighter jet.

Tumakas umano ang mga sibilyan mula sa naturang lugar na kinubkob ng Islamic State.


Itinanggi naman ng Russia maging ng Syrian government na may mga nasawing sibilyan sa kanilang mga airstrike.

Facebook Comments