380 katao, nananatiling stranded sa mga pantalan dahil sa masamang lagay ng panahon

Sa pinakahuling impormasyon na inilabas ng Philippine Coast Guard o PCG ay nasa 380 passengers, drivers, at cargo helpers ang nanatiling stranded pa rin sa mga pantalan sa iba’t ibang panig ng bansa dahil sa masamang lagay ng panahon.

Stranded din ang walong rolling cargoes, apat na vessels, dalawang motorbancas habang 19 vessels at dalawang motorbancas ang nakahimpil sa baybayin at hindi pa makalayag dahil sa delikadong kondisyon sa karagatan.

Sa naturang bilang ang 228 katao, dalawang rolling cargoes, apat na vessels at dalawang motorbancas ay stranded sa mga pantalan sa Palawan na kinabibilangan ng


– El Nido Port
– Port of Coron
– Port of Culion
– Linapacan Port
– Cuyo Port
– Roxas Feeder Port
– Araceli Pier
– Quezon Wharf

152 katao naman at anim na rolling cargoes ang stranded sa mga pantalan sa National Capital Region at Bataan sa Central Luzon.

Facebook Comments