3,810 tonelada ng basura, nahakot sa Manila Bay

File photo

Nasa 3,410 tonelada na ng basura, water hyacinth, at burak ang nakuha mula sa baybayin ng Manila Bay at mga estero sa Kamaynilaan mula nang simulan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang rehabilitasyon nito ngayong taon.

Batay sa ulat ng ahensya, mula Enero 7 hanggang Agosto 31 ay nakahakot ng 749.72 toneladang basura mula sa Manila Baywalk at mga kalapit lugar nito, habang 737.12 tonelada naman ang mula sa aplaya ng Baseco Compound sa Tondo.

Mula naman sa mga ilog Pasig at San Juan ang 901.85 toneladang basura, at 1,422.17 tonelada galing sa mga estero at drainage na dumadaloy papuntang Manila Bay.


Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, inaasahan pa ang pagdami ng basura sa mga paparating na buwan dahil sa masungit na panahon.

Sa ngayon ay nasa 18,457 volunteers na ang nakilahok sa rehabilitasyon ng Manila Bay mula Enero.

Facebook Comments