Na-calibrate ng DOST Pangasinan ang 382 timbangan sa mga pamilihan sa Dagupan City sa isinagawang dalawang araw na libreng calibration caravan.
Ginawa ang aktibidad sa Malimgas Public Market at Consignacion kung saan direktang nakinabang ang mga tindero, kabilang ang mga ambulant vendors.
Sa kabuuan, napakinabangan ang calibration ng 248 kliyente, na may katumbas na tulong na higit sa 106,000 piso.
Ayon sa DOST, mahalaga ang tamang timbang upang mapanatili ang patas na kalakalan sa mga pamilihan.
Kapag hindi tama ang timbangan, posibleng malugi ang mamimili o ang tindero at masira ang tiwala sa bentahan.
Dagdag pa nila, ang regular na calibration ay nakatutulong upang matiyak ang tamang sukat, transparency, at pagsunod sa mga umiiral na batas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments






