Umabot sa 383 volcanic earthquakes ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) mula sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.
Sa inilabas na bulletin ng PHIVOLCS, kabilang dito ang 238 volcanic tremors na tumagal ng isa hanggang 12 minuto habang 143 naman ang mga mahihinang pagyanig.
Bukod diyan ay naobserbahan din sa bulkan ang pagkulo ng tubig sa main crater kung saan nagbuga rin ito ng usok na umabot sa 300 metro ang taas.
Samantala muli namang ipinaalala ng PHIVOLCS na nananatili ang alert level 2 sa Taal volcano at mahigpit na ipinagbabawal ang pagpunta ng sinuman sa tinatawag na Permanent Danger Zone.
Facebook Comments