Pagtatayo ng COVID-19 Dialysis Center sa National Kidney and Transplant Institute, pasisimulan na

Matapos ang demolisyon sa mga pribadong establisimyento sa lupang sakop ng National Kidney and Transplant Institute, ikinakasa na ang pagpapatayo ng hemodialysis center sa Quezon City.

Ito’y para magamit ng dialysis patients na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa NKTI, may limang palapag ang gagawing gusali na itatayo sa loob ng 5,000 square meters na lawak ng lupain na nakaharap sa Quezon City Elliptical road, may inisyal na 40 hemodialysis machines ang ilalagay sa center na makakatulong sa pagsisikap ng gobyerno para mapahusay ang medical response sa mga pasyenteng may sakit sa kidney hindi lamang sa mga taga-Quezon City kundi pati na sa mga kalapit lalawigan.


Facebook Comments