Nagpaalala ang PAGASA sa publiko kasunod ng matinding init ng panahon na nararanasan ngayon sa bansa.
Ngayong araw, inaasahang makapagtatala ng 39℃ hanggang 40℃ heat index sa Dagupan City habang 39℃ sa Metro Manila.
Kaya para makaiwas sa heat stroke o heat cramps, pinayuhan ng PAGASA ang publiko na:
Manatili sa loob ng bahay at panatilihin itong well-ventilated
Magsuot ng presko at light colored na damit
Uminom ng maraming tubig
Umiwas sa alak para hindi ma-dehydrate
Sabado nang maitala ang 51℃ sa Dagupan, ang pinakamataas na temperatura sa bansa ngayong 2021.
Facebook Comments