39 NA BAGONG KASO NG DELTA VARIANT SA ILOCOS REGION, NAITALA

Naitala ang 39 na bagong kaso ng Delta Variant ng COVID-19 sa Ilocos Region, ayon sa Department of Health-Center for Health Development 1.

Sa mga nasabing kaso, 15 dito ang mula sa Ilocos Norte, pito (7) sa Ilocos Sur, walo (8) sa La Union, apat (4) sa Panagsinan at lima (5) sa Dagupan City.

Sa kabuuan, nasa 261 na ang kaso ng naturang variant sa rehiyon.


Ayon kay Dr. Rheuel Bobis, DOH-CHD COVID-19 focal person, agad na na-isolate ang mga pasyente at dumaan sa quarantine bilang pag-iingat sa COVID-19.

Samantala, nasa 453 na ang kabuuang bilang ng lahat ng variants sa Ilocos Region na kinabibilangan ng Alpha, Beta, Delta at P.3.###

Facebook Comments