Nadaragdagan ng 39 na kaso ng mga nasangkot sa road traffic incidents ngayong araw ayon sa Department of Health (DOH) ngayong holiday season.
Dahil dito, umabot na sa 457 kabuuang bilang ang kasong naitala ng ahensya.
Nasa 393 insidente rito ay dahil sa hindi pagsuot o paggamit ng safety accessories tulad ng helmet habang nasa 322 dito ay aksidente sa motor.
Samantala, 76 naman sa kasong naitala ng ahensya ay naaksidente ay mga nakainom ng alak.
Pinaalalahan pa rin ng ahensya na mag-ingat ang mga motorista ngayon holiday season.
Facebook Comments