39 na empleyado ng Senado, nagpositibo sa COVID-19; 169 naka-quarantine

Kinumpirma ng Senate Medical Dental Bureau na 39 na mga empleyado ng Kapulungan ang nagpositibo sa COVID-19.

Sa binasa ni Senate President Tito Sotto III sa plenary session, inihayag nito na kabilang sa nagpositibo ang 10 mula sa 32 empleyado sa Bills and Index section.

169 naman ang kabuuang empleyado ng Mataas na Kapulungan ang naka-quarantine ngayon.


Bunga nito, mula sa 50 percent na physical workforce sa Senado, ibaba muna ito sa 25 percent.

Kabilang sa mga empleyado na papapasukin lamang sa session hall ay ang mga nakatalaga sa plenary session.

Facebook Comments