39 na hate crime sa mga Pinoy, naitala ng DFA

Umabot na sa 39 insidente ng hate crime na tumatarget sa mga Pilipino ang naitala ng Philippine Consulate General sa New York.

Ayon kay Department of Foreign Affairs Assistant Secretary for Migrant Workers’ Affairs Paul Raymund Cortes, nagiging maingat ang mga awtoridad sa pagtukoy ng mga hate crime mula sa mga regular na pag-atake.

Aniya, maituturing lamang na hate crime ang isang insidente kapag binanggit ng suspek ang bansa o lahi ng biktima sa komprontasyon.


Tiniyak naman ni Cortes na konsulado ay nagbibigay ng tulong sa mga biktima ng hate crimes habang tinutulungan sila ng mga lokal na awtoridad sa pagsasampa ng mga kinakailangang kaso.

Facebook Comments