Aabot sa 39 na paaralan sa lungsod ng Dagupan ang nagpahayag ng kanilang kahandaan sa pagsasagawa ng face-to-face graduation rites, ayon sa Department of Education Region 1.
Sa isang panayam, sinabi ni Dr. Tolentino Aquino ang Ilocos DepEd Regional Director, nagsagawa ang mga ito ng Regional Committee Meeting sakanilang superintendents upang malaman kung ilang paaralan sa Region 1 ang nakatakdang magsagawa ng face-to-face graduation rites.
Bagamat sa lunes pa malalaman ang kabuuang bilang nauna nang inihayag ng Dagupan City Schools Division sa pangunguna ni Superintendent Aguedo Fernandez ang kahandaan ng 39 na paaralan sa lungsod.
Nauna nang sinabi ni Fernandez na maaaring magsagawa ng hybrid graduation rites ang mga paaralan dito kung saan hindi lahat ng mga mag-aaral ay onsite graduation kundi maaari ring virtual na lamang.
Binigyang diin ni RD Aquino na mahigpit na ipapatupad ang safety health protocols sakali mang maaprubahan ang pagsasagawa ng face-to-face graduation rites.
Sa ilalim ng Alert Level 1 at 2 pinapayagan na ng DepEd ang mga paaralan sa pagsasagawa ng physical-end-of-school-year rites o in person graduation. | ifmnews
Facebook Comments