Dumami pa ang bilang ng mga Philippine National Police (PNP) personnel na infected ng Coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Ito ang kinumpirma ni PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac.
Aniya kahapon, panibagong 39 na mga PNP personnel ang nag-positibo sa virus, sa kabuuan umaabot na sa 179 PNP personnel ang kabilang sa mga infected ng COVID-19.
Pero 57 sa mga positibo ay gumaling na sa virus at apat ang namatay na.
Sa ngayon ang natitirang 118 na mga positive sa COVID-19 ay patuloy na ginagamot.
91 sa kanila ginagamot sa quarantine facilities, anim ay naka admit sa ospital at 21 ay naka home quarantine pero patuloy na inoobserbahan ng mga doktor ng PNP Health service.
638 PNP personnel naman ay Probable Persons Under Investigation (Probable PUI) at 390 PNP personnel Suspected Persons Under Investigation (Suspected PUI).