39% ng LGUs sa bansa, nakapag-comply na sa pag-update ng kanilang comprehensive land use plan upang paghandaan ang mga pagbaha at landslide —DILG Sec. Remulla

Abot sa 651 o 39% na ng mga lungsod at munisipalidad sa bansa ang nakapag-update na ng kanilang comprehensive land use plan at zoning ordinance.

Habang 1,284 o 79% naman ang nakapag-update ng kanilang local development investment programs.

Ito ang ibinahagi ni DILG Secretary Jonvic Remulla sa 4th day ng 2024 Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction sa Philippine International Convention Center (PICC).


Ayon kay Remulla, alinsunod na rin ito sa direktiba ng DILG sa LGUs na tiyaking umaalinsunod ang mga development program ng mga LGU sa pag-mitigate sa local hazards.

Aniya, bilang paghahanda ito sa banta ng mga pagbaha at landslide sa panahon ng mga bagyo o severe weather.

Ani Remulla, maliban kasi sa banta sa buhay at ari-arian, malaki ang impact sa investment o pagnenegosyo kung hindi maiakma ang mga development plan sa nagbabagong klima.

Sa ngayon aniya, tinutulungan na nila ang nasa 387 o 51% ng mga LGU na hindi pa nakapag-update ng kanilang local development investment programs at local development investment programs.

Facebook Comments