Ikinokonsidera na ng Commission on Elections o COMELEC na alisin sa kanilang opisyal na listahan ang 39 na party-list organizations bago ang May 9, 2022 National at Local Elections.
Ayon sa COMELEC, sa ilalim ng “Party-List System Act,” awtorisado ang Komisyon na magtanggal o magkansela ng registration ng isang party-list group kapag nabigo itong lumahok sa nakalipas na dalawang halalan o kabiguan na makakuha ng 2-porsyentong boto sa ilalim ng party-list system sa nakalipas na dalawang halalan.
Kabilang sa mga matatanggal na sa listahan ng COMELEC sa hanay ng party-list groups na sasabak sa 2022 elections ang mga sumusunod:
1. ADING – Advance Community Development in New Generation
2. 1-AAMOVER – 1-A Action Moral & Values Recovery Reform of the Phils., Inc
3. ANG PAMILYA -Una Ang Pamilya
4. AG – Ang Galing Pinoy
5. ALAGAD – Alagad Party-List
6. ANAD – Alliance for Nationalism and Democracy
7. KAKUSA – Kapatiran ng mga Nakulong na Walang Sala, Inc.
8. KALIKASAN PARTY-LIST – Kalikasan Partylist
9. 1-AANI – Usa An Aton Nahigugma Nga Iroy Nga Tuna
Samantala, kabilang naman sa mga party-list groups na maaring maalis na sa listahan ng Komisyon dahil sa kabiguan na makakuha ng 2-porsyentong boto at kabiguang makakuha ng puwesto sa Kongreso ay ang mga sumusunod:
1. ALAY BUHAY – Alay Buhay Community Development Foundation, Inc.
2. ATING KOOP-Adhikaing Tinataguyod ng Kooperatiba
3. AVE – Alliance of Volunteer Educators
4. ABAKADA – Abakada Guro
5. BANAT – Barangay Natin
6. ABAMIN -Abante Mindanao, Inc.
7. APPEND – Append, Inc.
8. ANG NARS – Ang Nars, Inc.
9. TAO MUNA – Ang Tao Muna at Bayan
10. AKO AN BISAYA – Ako An Bisaya
11. ANUPA – Alliance of National Urban Poor Organizations Assembly, Inc.
12. CONSLA – Confederation of Non-Stock Savings and Loan Association, Inc.
13. ASEAN – Academicians, Students and Educators Alliance, Inc.
14. AMEPA OFW – Amepa OFW Access Center, Inc.
15. FICTAP – Federation of International TV and Telecommunications Associations of the Philippines
16. GLOBAL – Global Workers and Family Federation, Inc.
17. KMM – Kaisahan ng mga Maliliit na Magsasaka
18. METRO – Movement for Economic Transformation and Righteous Opportunities
19. PM – Partido Manggagawa
20. SAMAKO – Sandigan ng mga Manggagawa sa Konstruksyon
21. SINAG – Sinag Tungo sa Kaunlaran
22. ITO ANG TAMA – Tanggol Maralita, Inc.
23. TINDERONG PINOY – Tinderong Pinoy, Inc.
24. TRICAP – Tribal Communities Association of the Philippines
25. UNIDO – Union of Nationalist Democratic Filipino Organization
26. ALL-FISH – Alliance of Philippine Fishing Federations Inc.
27. AWAKE – Awareness of Keepers of the Environment, Inc.
28. KAMAIS – Kamais Pilipinas (Kapatirang Magmamais ng Pilipinas, Inc.)
29. PBB – Partido ng Bayan ang Bida
30. 1-AHAPO – One Bagong Ahapo ng Pilipinas Party-list