391,950 Pfizer vaccines, nakatakdang dumating mamaya sa NAIA

Aabot sa 391,950 doses na karagdagang Pfizer vaccines ang nakatakdang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mamayang gabi.

Alas-9:20 mamayang gabi inaasahang lalapag ang Air Hong Kong flight LD456 sa NAIA Terminal 3 lulan ang mga naturang bakuna.

Una nang binanggit ni COVID-19 Czar Secretary Carlito Galvez na inaasahang sunod-sunod na ang pagdating ng mga bakuna sa bansa.


Dahil dito, umabot na sa kabuuang 70,091,290 doses ng bakuna kontra COVID-19 ang tinanggap na ng Pilipinas simula February 2021.

Inaasahan din na sasalubong sa dadating na bakuna sa NAIA sina Secretary Galvez at ilang kinatawan ng Department of Health (DOH).

Dadalhin ang mga naturang bakuna sa storage facility upang mapanatili ang kalidad nito.

Facebook Comments