Itunuturing ngayong mga bayani ang mga sundalong nasangkot sa aksidente sa Brgy Matalab sa bayan ng Antipas North Cotabato.
Ito ang mariing inihayag ni Cpt. Silver Belvis, spokesperson ng 39th IB sa panayam ng RMN Cotabato ngayong umaga.
Mas minabuti aniyang ang mga ito ang madisgrasya sa halip na ang 5 anyos na batang naglalaro ng bola sa gitna ng kalsada kahapon ng umaga.
Matatandaang nagmula sa raod security operation ang mga sakay KM450 mula sa sa Arakan papauwi ng kanilang headquarters at pagsapit sa Brgy. Matalab ay nangyari ang aksidente resulta ng pagkakasawi ng 2 militar at pagkakasugat ng 8 iba pa.
Naging matulin rin ang takbo ng sasakyan bunsod na rin sa kilalang balwarte ng NPA ang binabaybay na kalsada.
Kinilala ang mga nasawing mga sundalo na sina Private Marsaga at Private First Class Pregillana. Habang sugatan naman ang walong mga sundalo na sakay nito na sina: PFC Manuel Lumanod, driver ng truck ; CPL Anta, PVT Lacunsay, PFC Amarillo, PVT Guimay, PVT Gepitulan, PVT Alao at PFC Silva.
Naiuwi na sa kanila kanilang mga pamilya ang mga nasawing sundalo habang patuloy na nagpapagaling sa mga pagamutan ang mga sugatan.
contibuted photo
39th IB binigyang papugay ang mga nadisgrasyang mga sundalo
Facebook Comments