DA, hindi sang-ayon na magdeklara ng state of calamity dahil sa ASF outbreak

Tutol ang Department of Agriculture (DA) sa mga mungkahi na ideklara ang state of emergency bilang tugon sa pagtaas ng mga impeksyon ng African Swine Fever (ASF).

Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., sa ngayon ay sapat na ang pinahusay na mga border control, ang ikinasang inoculation program at ang pagdaragdag ng mga hakbang sa pagbabayad sa mga apektadong magbababoy.

Tiniyak ni Secretary Tiu Laurel na ang kasalukuyang sitwasyon ng ASF ay hindi magsasanhi ng pagkukulang sa suplay ng karne ng baboy o pagpapataas ng mga presyo.


Hindi tulad ng unang tugon sa ASF noong 2019, na kinakailangang magpatupad ng malawakang pag-lockdown ng buong mga bayan,sa ilalim ng bagong diskarte ay tututok lang muna sa paghiwalay lamang sa mga hog farms na nagpositibo sa sakit.

Una nang naglatag ang DA ng mga checkpoint upang mapigilan ang transportasyon ng mga may sakit na hayop.

Gayundin ng kagyat na pagbili ng 10,000 doses ng mga bakuna kontra ASF para sa emergency inoculation sa mga apektadong lugar.

Facebook Comments