DOLE, nagbabala sa publiko sa panibagong scam hinggil sa nag-aalok ng trabaho sa social media

Binalaan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga naghahanap ng trabaho sa isa na namang modus o scam.

Tinukoy ng DOLE ang mga pekeng social media post para sa oportunidad sa trabaho at mga pekeng interview.

Sa nasabing post sa social media, hinihikayat ang mga biktima na maglagak ng security deposit at bayad sa HMO o Health Maintenance Organization para sa pagproseso ng aplikasyon sa trabaho.


Gumagawa rin ang mga sangkot sa modus ng pekeng kontrata gamit ang logo ng mga bangko para gawing kapani-paniwala ang pinakikita nilang dokumento.

Paalala ng DOLE na maiging suriing mabuti ang bawat post, beripikahin ang proseso ng pag-hire at huwag magpapadala ng pera kung saan maging mapagbantay at matalino para maiwasan maging biktima ng mga panloloko.

Facebook Comments