Tinitingnan ng Philippine National Police (PNP) ang anggulong ‘friendly fire’ ang dahilan nang pagkakasawi ng isang police sa rescue operations na nauwi sa barilan sa Angeles city, Pampanga, noong Agosto 3.
Nabatid na nasawi sa nasabing engkwentro si Police Staff Sgt. Nelson Santiago, habang sugatan naman ang isa pang pulis na si Police Chief Master Sergeant Eden Accad makaraang salakayin ng PNP Anti-Kidnapping Group — sa koordinasyon ng Chinese police attaché ang isang bahay para iligtas ang dalawang babaeng Chinese na dinukot umano ng dalawang lalaking Chinese.
Ayon kay Philippine National Police Public Information Officer (PIO) Chief Police Colonel Jean Fajardo, nakausap na ni PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil ang nagluluksang pamilya ng biktimang pulis.
Mismong si Marbil aniya ang nangakong mananagot o maparurusahan ang mapatutunayang nakapatay kay Santiago.