Grupong PAMALAKAYA, binatikos ang “unrealistic food poor” threshold ng NEDA

Tinawag ng fisher’s group na PAMALAKAYA na napakalayo sa riyalidad ang datos ng National Economic Development Authority (NEDA) sa klasipikasyon ng pagiging “food poor”.

Ayon sa grupo, malayong pagkakasyahin ng isang katao ang ₱64 sa isang buong maghapon.

Dagdag ng grupo, isang kilong bigas at isang itlog lamang ang mabibili ng ₱64.


Patunay aniya ito ng palpak na pagtugon ng administrasyong Marcos Jr. sa laganap na kahirapan at kagutuman sa bansa.

Tinukoy ng PAMALAKAYA ang report ng United Nations Food and Agriculture Organization noong nakaraang taon na nagpapakita na ang Pilipinas ay ang pinaka-food insecure country sa Southeast Asia.

Aabot sa 50.9 million na mga Pilipino ang maituturing na food insecure sa nakalipas na dalawang taon.

Naniniwala ang PAMALAKAYA na sadyang pinabababa ang basehan ng pagiging mahirap para bigyang-katwiran ang napakababang pasahod sa mga manggagawa.

Facebook Comments