Nagpulong sa Malacañang sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Japan International Cooperation Agency (JICA) President Tanaka Akihiko kaugnay sa pagpapalawak pa ng ugnayang pang ekonomiya ng Pilipinas at Japan.
Ayon sa pangulo, mahalagang katuwang ng bansa ang JICA sa maraming infrastructure project.
Kumpiyansa rin aniya siya na walang magiging problema ang anumang proyektong mapagkasunduan nila sa mga susunod na panahon.
Samantala, nagpaabot naman ng pakikiramay si Akihiko sa mga biktima ng magkakasunod na bagyo sa bansa.
Nais aniya nilang makatulong sa Pilipinas sa usapin ng pagtugon sa kalamidad at sakuna.
Sabi naman ni Pangulong Marcos, ang pangunahing concern ng bansa ay ang flood control at water management.
Kaugnay nito, sinabi ng pangulo na tututukan muna ang pagpasa ng panukalang 2025 national budget at saka tututukan ang mga flood control project.