Japanese Prime Minister Fumio Kishida, nagpaabot ng pakikiramay kay PBBM sa naganap na pambobomba at pagyanig sa Mindanao kamakailan

Nagpaabot ng pakikiramay si Japanese Prime Minister Fumio Kishida kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ay dahil sa naganap na pambobomba na ikinasawi ng ilang indibidwal at nangyari ding pagyanig sa Mindanao.

Ang pakikiramay ay personal na ipinaabot ng Japanese Prime Minister sa kanilang bilateral meeting sa Prime Minister Office sa Tokyo, Japan.


Nalulungkot ang prime minister sa mga pangyayaring ito kaya ipinaabot ang taus-pusong pakikiramay.

Samantala, sa bilateral meeting ng dalawang lider ay mananatili at palalakasin pa ang pagkakaroon ng malaya at bukas na international order na nakabatay sa rule of law na titiyak para maproteksyunan ang dignidad ng bawat indibidwal.

Facebook Comments